Archive for September, 2007

29
Sep

Bata Bata Pano Ako Ginawa…

babykath.JPGWay back March 26, 1984 a baby girl was born…They named her Katherine…(meaning PURE>>>o di ba pure ako)Medyo pinagkaitan ng kaputian ung baby pero cute nmn at di nawalan ng pag asa ang parents nya na puputi sya…Syempre no alam mo nmng sabihin nila panget anak nila… Sabi ng mama ko made in tagaytay daw ako…bunga ako ng kanyang unang matamis na pag ibig…ang pang tuition nya sa Lyceum ay ginamit nila ng tatay ko sa pagtatanan. Medyo gabi kz ako ginawa kaya di ko namana ang kulay ng nanay ko o baka nmn di nila alam ang kingkong style. At syempre dahil nabuo ako wala nang magawa ang mga parents ni madear ayun nipakasal sila…pero ang ending ng makadalawa si padear naghanap sya ng ibang pugad…sya ay sumakabilang bahay…At dahil panganay ako at cute pa naging fave ako ng family. Alam nilang lalaki akong busilak at walang bahid kaya Katherine pinangalan nila…wag na lang kayong kumontra.

Wala na akong itatago sa inyo…tama ang nakikita nyo …yan ang iba’t ibang mukha ko mula pagkabata. Actually sa pagkakalkal ko ng mga gamit ko nkita ko ang album namin. At syempre take a look ako sa mga pix ko. Tignan ko nga kung tama sinasabi nila na dapat di na ako lumaki….bwahaha. Pinanganak ako ng maitim talaga kaya nmn naging tampulan ako ng asaran. NEGRA, BALUGA, ULIKBA name it lahat yan tinawag sa akin but now i prefer to be called EXOTIC di ba mas may dating….since childhood ramdam ko na lalaki akong ARTEstic…kita nyo nmn ebidensya. Lahat ng pix ko halos ay nkagown, naka make up at may partner…pano ba nmn sbi ng mama ko makukunan lang daw ako pix kpag may sinalihan ako…kapag abay sa kasal, may school program, contest o kaya nmn santa crusan. Waging wagi daw kakyutan ko noon kaya nmn kung ano anong dapat pinasusuot sa akin. Salamat sa pulbos khit paano nkikita kagandahan ko…hehehe

Sa tuwing nakikita ko pinapasuot sa akin ng mommy ko di ko alam kung maiinis ako kagaya nung pix na nasa birthday party ako…feel na feel ko pa…nkagown pa ako tapos guest lang nman kmi dun…nyahaha. Pagbata ka talaga lahat ng pasuot sa ok lang para sa yo pero habang lumalaki ako nagkakaron n ako ng taste sa damit syempre kailangan un sa ganda points…unti unti na akong nawala sa limelight….i min sa mga santa crusan at iba pa medyo nahihiya na kz ako…Syempre di na ako mapipilit pasuutin ng mga gown n nirentahan, hiniram o pinatahi nila. Di na nila ako kailangan make up o ayusing ang hair ko…DALAGA na ako yan ang sinasabi ko sa knila kaya tama na…

Sa mga nang aasar sa akin nung bata ako…Sorry na lang sa inyo…mas maganda na ako sa inyo…salamat sa Likas papaya at pumusyaw ang kulay ko…

O ayan pagpyestahan nyo na ang murang katawan ko….nyahahaha…walang kukurap…look nyo kung pano ako nagbloom…

26
Sep

CHELSEA:our little star

 dsc04909.JPGO di ba bongga! Anong say ni Margarita dyan. Meet our little STAR…

Kanina nagpakitang gilas na naman ung niece kong si Chelsea, so naisip kong bigyan sya ng break dito sa blog ko and I want to share ung mga funny moments nmin with her. She’s only 2 kaya sobrang kulit pero sobrang bibo nya, maybe may pinagmanahan kz . Lagi kaming nagugulat sa mga new things na ginagawa nya. She’s really a cutie and an angel for us. Sobrang malambing, at her age she loves to sing, dance and draw. Thank God at di sya mahiyaan sana lang hanggang sa lumaki sya. Kakatuwang bihisan…sya ang nagiging living doll nmin but anyway she’s enjoying nman. We really love her coz sya ang pinaka baby ng family. I wish na sana lumaki sya ng maayos and huwag sana tumulad sa amin….bwahaha… 

At syempre fave ko syang picturan…at wala syang angal. She’s loves it and maybe she was born with talent talaga…

chelsea.JPG

O di ba??? kabog nya si Margarita…nyahaha.

At kagaya ng sbi ko very talented yang bata na yan…Look at her video…hehehe

Yan si Chelsea aka CHICHI our little angel and our little star 

Di ba proud tita… 

25
Sep

kulitan with AW-AW

AW-AW yan ang cute nmin na stuff toy na duckling…imbis na quack quack ang pangalan nya pinangalanan nmin syang aw-aw dahil kay Chelsea pamangkin kong 2 years old. Sya ang nagpasimuno ng tawag kay aw-aw dhil kapag nagkukulitan kmi kunyari pinapakagat nya kmi kay aw-aw sabay sabi ng AW AW at dun nagmula ang name ni AW-AW. Swerte ni AW-AW kz nauna pa syang makarating sa akin sa Netherlands di nya kailangan ng visa….hayzzzzz buti pa sya. NUng umuwi si Rich dun pinabaon ko sa kanya si AW-AW para wag sya masyadong malugkot pinabanguhan ko si Aw-Aw ng pabango ko para may katabi syang matulog. Na mimiss ko na silang dalawa pero kahit pano naiibsan un kapag nakikita at nagkukulitan kmi sa cam.

FWENDS meet AW-AW…..

Nakalimutan kong sabihin si AW-AW pala ay free sa Saisaki Dads nung nag dinner kmi sa megamall…

25
Sep

for Kikays only: my kikay kit

Nakakainis kz may nkalimutan ako sa wishlist ko…like ko na kz palitan ung kikay kit ko….KIKAY KIT(tawag sa lalagyan ng mga gamit sa kakikayan aka kalandian)syempre meron ako nun…Memorable sa akin itong kikay kit ko kz medyo madami n kming pinagdaanan. Tanda ko pa ng binili ko to sa watson sa halagang P80 kz nman nanghihinayang ako bumili ng mahal kaya nauwi ako sa isang med. kit na plastic…Ok nmn sya…kaso ngaun habang tumatagal padami ng padami ang pampalandi ko ayun di n sya nagkakasya…Sa sobrang dmi ndidiscover na pampalandi syempre try din ako nun…Mas madali kz kung ganito dhil isang bitbitan lang at nakakatipid ng space.

 O di ba cute sya….Naawa na ako sa kanya kz di ko n sya masara at bumubuka buka n sya. Feeling ko sumusuko na sya. Kaya nga ngaun isasama ko na sya sa christmas wishlist ko. Mas inuuna ko kz bumili ng pampahid ko sa mukha kesa bumili ng kikay kit ang mahal nmn kz nung ibang nakikita ko at di kaya ng budget ko…At kung nagtataka kau anong laman nya …..

basta ayan ang laman nya di ko na kayang isa isahin kz nakakapagod at ang bawat isa nyan ay may mahalagang papel sa buhay ko…kunbaga di kumpleto ang araw ko kapag di ko nagamit ang laman ng kikay kit ko… nandyan ang mga paraan kung may di kanais nais kang nakikita sa face mo… basta kailangan lagi kang clean…pero syempre may kanya kanya tayong kalandian at yan ang kalandian ko…

24
Sep

KORNI

DEAR FRIEND,

e2 pala akong sagot ko sa sabi mo….



“KORNI”
Korni na kung korni
Wala na akong sinabi
Matahimik ka lang
Wala akong paki
Inlove ako anong magagawa mo
Inggit ka lang siguro
Puso mo ba ay bato
Broken hearted ka no
Wala akong paki sa’yo
Tumataas man kilay mo
Blog ko to kiber ko
Pasalamat ka kaibigan mo ako
Kundi nasapak ko mukha mo
Mamatay ka sa inggit
Mangati man iyong singit
Wag ka ng magngitngit
Wala ka namang magagawa PANGETTTTTT….
P.S wak mo dibdibin sinabi ko….joke lang yan no…LABYAH.mwahhh…sana magkaibigan pa rin tayo kahit sinabihan kitang PANGET.

Beautifully Yours,
KATH
23
Sep

MERRY XMAS TO ME…wishlist

 

Pasko na sinta ko…Hanap hanap kita….waaaaa emote n nmn ako pano ba nmn napaisip ako kz ni tag ako ni tintin, yeah it’s ber month na so palapit ng palapit na ang pasko but y  I’m still lonely dahil ba ang dami tiyak mamasko sa akin at dahil wala ng nagreregalo sa akin kapag pasko…dami ko pa namang inaanak….Or maybe because I’m longing for my husband so muchhh. It’s been 4 months since he went back to Netherlands…Were trying our best to get my visa but it seems that we still have to wait….BUT I CAN”T W8 any longer…waaaaa but I have to…as if nmn may magagawa ako…di nmn ganun kadali…I don’t want to remember this Christmas as the coldest and saddest Christmas in my life. Kala ko pa nmn may makakatabi ako at kaduet kumanta na jingle bells. Sana dumaan si Santa sa bintana nmin magsusulat ako sa kanya bka pwedeng Christmas gift ko ay visa ko na lang kung mabait sya samahan nya na rin ang plane ticket, di nmn ako ganun kaabusado kung pwede pocket money na rin kahit 1000 euro lang keri ko na yun. It’s really hard to spend your Christmas away from ur love ones lalo na at this will be our first Christmas together sana. Wala na akong ibang mawish bukod don pero since I have to make a list…I’ll try…











MY CHRISTMAS WISHLIST
  • Visa – ayan syempre number 1 yan kz di ko makakasama asawa ko kung wala yan, kapag nakuha ko yan fly agad ako papunta don.
  • Umaatikabong SEX- sabihin nyo ng manyak ako basta yan ang wish ko, hirap ng malayo sa asawa pero kailangan magtiis sa ngalan ng pag- ibig.Di bale babawi nmn ako kapag magkasama na kmi.
  • Slimming pills for me- sana may makaimbento ng pills na kapag ininom mo payat ka na agad. Para maging masaya ako sa pasko. At makakain ng marami.hahaha.Corny ko nmn kung diet ako sa pasko.
  • Vitamins for my Husband- he will need that kapag nandon na ako..wraaaaar.Yung tatagal ng 48 hours n nkatayo…nyahahaha
  • Trip to Disneyland – wala lang gusto kong lang magpapicture kasama si Mickey at promise kz yan ng hubby ko na pupunta kmi kapag nandon na ako…mag lolong drive kmi…hehehe.
  • New cellphone for my mama- sana may magbato ng cel sa mama ko para matuwa sya kz un lang kaligayahan nya…mahilig kz mag txt mama ko…mahilig sa txtmate.
  • Front teeth for my baby sister- kawawa nmnkz sister ko kz bungi sya…eh medyo malaki n sya…kung pwede lang lagyan ng pustiso di pinalagyan ko na.
  • Girlfriend for my brother- sana nmn magka gf n bro ko kz pinaghihinalaan n nmin sya..nag iisang lalake pa nmn sa family.
  • Big bonus for my mommy- para mambunan nya nmn kmi…hahaha
  • Big rock for my sister- uumpog ko sya dun para magising sya na din a maganda nangyayari sa buhay nya.
  • Pencil and paper for Chelsea- coz my niece loves to draw.
  • Viagra for my ninong- joke lang ninong good health for you n Ate faye
  • Happy sexlife for my blogmates- syempere yan wish ko sa mga nagbasa nito.
  • Good health for all of us- bawal magkasakit no mahal pampa ospital at gamot.
  • Money for all of us- para lahat happy.
  • Lovelife sa mga broken hearted- para di cold ang pasko
  • World peace-o di ba parang contestant sa Ms. Earth. PEACE BE WITH YOU.
  • Happiness- para sa ating lahat lalo n sa mga sad.

 

ayan kita nyo na mga wishlist ko…sana may magkawang gawa..hehehe.IKAW ANO WISH MO FOR CHRISTMAS?

 

tag ko na sina: jean, nika, kiko, chuva , jon and iris

p.s. kahit di nyo na po ako regaluhan basta PRAY FOR ME para magka visa na ako…THANK YOU…

23
Sep

MY DESKTOP GOT TAGGED*updated

waaaaaaa.ni-tag ako ni nika….syempre di ako makakatanggi so i have to do this….

ayan nkita nyo na…..di ba khit sa desktop kmi parin ng asawa ko….para di sya maalis sa isip ko khit nka ol ako….hahaha.ikaw anong itsura ng desktop mo???

My Desktop Free View Instruction:

A. Upon receiving this tag, immediately perform a screen capture of your desktop. It is best that no icons be deleted before the screen capture so as to add to the element of fun.

You can do a screen capture by: [1] Going to your desktop and pressing the Print Scrn key (located on the right side of the F12 key). [2] Open a graphics program (like Picture Manager, Paint, or Photoshop) and do a Paste (CTRL + V). [3] If you wish, you can “edit” the image, before saving it.

B. Post the picture in your blog. You can also give a short explanation on the look of your desktop just below it if you want. You can explain why you preferred such look or why is it full of icons. Things like that.

C. Tag five of your friends and ask them to give you a Free View of their desktop as well.

D. Add your name to this list of Free Viewers with a link pointing directly to your Desktop Free View post to promote it to succeeding participants.

teka matag ko nga sina:
ninong, annie, tintin  , jon and jean

Participants and their desktop!

22
Sep

TUMATANDA NA TAYO….ANONG PLANO NYO?

 Tumatanda na ako …taon taon nadadagdagan edad ko…Ikaw ilang taon ka na? Ano plano mo sa iyong pagtanda…Di na ako natatakot ngaun sa pagtanda ko dhil alam ko may makakasama na ako… syempre nandyan asawa ko…Gusto ko pagtanda nmin ung tipong ok na lahat…nagpapakasawa na lang kmi sa mga salapi n pinag ipunan nmin…Wow ang sarap siguro nun… Ikaw sino feel mo makasama???Mahirap tumanda ng mag isa at mahirap mamatay sa kalungkutan.

Sa buhay natin tayo ang pumipili ng taong ating gusto makasama. May mga taong dumarating sa panahon na di natin inaasahan. Maaring maging maganda sa simula ngunit di natin masasabi ang kakahinatnan nito…Maraming hadlang at pagsubok na pagdadaanan ngunit nasa atin kung anong magiging resulta…

Isang taong dumating sa buhay ko ang nagpabago nito…Maraming pagsubok ngunit pilit kming kumakapit sa pag asa na magkakasama kmi. Sya lang ang taong gusto ko makasama sa habang buhay. Magbago man ang ikot ng mundo pilit namin itong sasabayan at pilit mabubuhay kasama ng pangako nmin sa isa’t isa. Dumating man ang araw na ang pagmamahal nmin ay kasamang mabaon sa hukay ngunit ang alaala ng isa’t isa ay babaunin nmin sa aming paroroonan. Huwag mong antayin at kusa syang darating….salamat at dumating ka ng maaga sa buhay ko….Natatakot man akong isang araw ay magising na wala ka na sa aking piling ngunit di ko ito alintana ang mahalaga ay kapiling kita di man sa pisikal ngunit sa puso ko di ka mawawala…

ik zal van u Richard houden zolang ik leef. Ik beloof voor altijd u niet omdat daar geen dergelijk ding zoals voor altijd maar diep in mijn hart dat ik u enige voor me… ik hou van jouw…

18
Sep

salamat…AZRAEL isa kang alamat

umaapaw ang puso ko sa kaligayahan….
nagsusumigaw ang dibdib ko sa katuwaan…
aatakihin yata ako sa sobrang galak….
salamat sa isang nilalang na nagpaunlak…
na ang blog ko ay kanyang bihisan….
nang ang mundo ko nmn ay makulayan…
salamat sa iyo kaibigan….
tanawin ko ngaun kay gandang pagmasdan….
kahit pala minsan turnilyo sa ulo ay kulang…
ikaw pala ay mapapakinabangan…
ako’y nagpupuri…
sau ay nagpupugay…
sa simpleng kaligayahan…
na walang kapantay…
salamat AZRAEL…isa kang alamat
bow…..
e2 ang mga ebidensya,,,,alin ba ang maganda????di ba lhat???

kath0011.jpg A

kath0021.jpg B

kath0032.jpgC

kath0041.jpgD

lahat maganda…pero alin ang naiiba???

salamat AZRAEL….

18
Sep

buhay si JACK

 Fans ka ba ng TITANIC…napakanta ka ba ng “My Heart Will Go On” pwes magbunyi ka dhil bumalik na ang JACK ng buhay mo…isang kakaibang istorya na nkatataas ng kilay at nakamamangha ngunit aantig sa inyong mga puso… sana masayahan kau sa trailer…..

waaaaaa…fake lang pala…jokejokejoke…late n nmn ako…bwahahaha.pero nakakaaliw




sTalKers

  • 24,272 satisfied

hectic sked

September 2007
S M T W T F S
« Aug   Oct »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

fHmsWeetheart

sh2

sh8

sh15

sh26

More Photos