Archive for September 29th, 2007

29
Sep

Bata Bata Pano Ako Ginawa…

babykath.JPGWay back March 26, 1984 a baby girl was born…They named her Katherine…(meaning PURE>>>o di ba pure ako)Medyo pinagkaitan ng kaputian ung baby pero cute nmn at di nawalan ng pag asa ang parents nya na puputi sya…Syempre no alam mo nmng sabihin nila panget anak nila… Sabi ng mama ko made in tagaytay daw ako…bunga ako ng kanyang unang matamis na pag ibig…ang pang tuition nya sa Lyceum ay ginamit nila ng tatay ko sa pagtatanan. Medyo gabi kz ako ginawa kaya di ko namana ang kulay ng nanay ko o baka nmn di nila alam ang kingkong style. At syempre dahil nabuo ako wala nang magawa ang mga parents ni madear ayun nipakasal sila…pero ang ending ng makadalawa si padear naghanap sya ng ibang pugad…sya ay sumakabilang bahay…At dahil panganay ako at cute pa naging fave ako ng family. Alam nilang lalaki akong busilak at walang bahid kaya Katherine pinangalan nila…wag na lang kayong kumontra.

Wala na akong itatago sa inyo…tama ang nakikita nyo …yan ang iba’t ibang mukha ko mula pagkabata. Actually sa pagkakalkal ko ng mga gamit ko nkita ko ang album namin. At syempre take a look ako sa mga pix ko. Tignan ko nga kung tama sinasabi nila na dapat di na ako lumaki….bwahaha. Pinanganak ako ng maitim talaga kaya nmn naging tampulan ako ng asaran. NEGRA, BALUGA, ULIKBA name it lahat yan tinawag sa akin but now i prefer to be called EXOTIC di ba mas may dating….since childhood ramdam ko na lalaki akong ARTEstic…kita nyo nmn ebidensya. Lahat ng pix ko halos ay nkagown, naka make up at may partner…pano ba nmn sbi ng mama ko makukunan lang daw ako pix kpag may sinalihan ako…kapag abay sa kasal, may school program, contest o kaya nmn santa crusan. Waging wagi daw kakyutan ko noon kaya nmn kung ano anong dapat pinasusuot sa akin. Salamat sa pulbos khit paano nkikita kagandahan ko…hehehe

Sa tuwing nakikita ko pinapasuot sa akin ng mommy ko di ko alam kung maiinis ako kagaya nung pix na nasa birthday party ako…feel na feel ko pa…nkagown pa ako tapos guest lang nman kmi dun…nyahaha. Pagbata ka talaga lahat ng pasuot sa ok lang para sa yo pero habang lumalaki ako nagkakaron n ako ng taste sa damit syempre kailangan un sa ganda points…unti unti na akong nawala sa limelight….i min sa mga santa crusan at iba pa medyo nahihiya na kz ako…Syempre di na ako mapipilit pasuutin ng mga gown n nirentahan, hiniram o pinatahi nila. Di na nila ako kailangan make up o ayusing ang hair ko…DALAGA na ako yan ang sinasabi ko sa knila kaya tama na…

Sa mga nang aasar sa akin nung bata ako…Sorry na lang sa inyo…mas maganda na ako sa inyo…salamat sa Likas papaya at pumusyaw ang kulay ko…

O ayan pagpyestahan nyo na ang murang katawan ko….nyahahaha…walang kukurap…look nyo kung pano ako nagbloom…




sTalKers

  • 24,272 satisfied

hectic sked

September 2007
S M T W T F S
« Aug   Oct »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  

fHmsWeetheart

sh2

sh8

sh15

sh26

More Photos