Ewan ko ba bakit hanggang ngaun di ko makalimutan ito…Nakakainis tuwing maaalala ko. Tipong gusto kong resbakan at pagbabatukan ang mga batang ito na feeling nila magaling na sila. Ginagawang laro ang buhay at hindi iniisip na may mga tao silang pwedeng masaktan. Kala mo ke sisiga eh may mga uhog pa nmn sila pero handang handa ng pumatay.Teka kwento ko nga….
Monday, required na complete uniform kmi. Gabi na uwian nmin, at lalo akong ginagabi sa paghahanap ng mga books na required. Mon. to Sat. sked ko kaya wala na akong panahon bumili tapos 8 pa ang uwian. Kakabwisit sked ko , kz sarado na o pasara ang mga bookstore kapag uwian kaya lagi akong tumatakbo makaabot lang at minsan nagpleplease para pagbilhan kz pasara na. Pero di un ang kwento ko, nung monday nga kz ayun complete uniform. Puting puti ang suot ni kath at madami ako bitbit.Nahirapan akong sumakay ng jeep dhil punuan at last trip na ung byaheng P. Campa at Blumm. buti nauna ako sa pila. Pagdating ko sa Blum.dimasalang sasakay ako ng jeep pa retiro. Pagod na pagod na ako sa kakalakad at take note dmi kong bitbit.
Habang nag aantay ng jeep na paretiro sa dimasalang, nagmumuni muni ako about sa duty ko kinabukasan dhil excited ako…kz di pa ako ganon kagaling sa pagbp. Biglang may grupo na kabataan na dumating…at dahil tsismosa ako..pasimpleng nakinig ako.
Bata 1: Asan na sila???
Bata 2: Ayun ohhh??? Ang dami nila…sabay turo sa medyo malayo.
Batang Leader: Ganito ha…walang tatakbo…salubungin ntin..kala nila kung mga sino sila…
E di ako…wala dedma lang pero napansin ko nga ung isang grupo na padating. Biglang sumugod papalapit ung batang leader sa kabilang reader… Di ba ang tapang wala daw tatakbo. Ewan ko ba itong mga jeep kung kelan mo kailangan saka wala. So, ayun nga nakita ko na palapit na sila sa isat’ isa ng biglang may sumigaw…
Boses ng Bata: May dalang baril TAKBO…..
BANG… BANG….. BANG…
takbuhan ang mga bata… at si Kath na nag iintay ng jeep napatakbo…. aba natakot talaga ako…mega tsek ako sa sarili ko baka may dugo ako at natamaan ng ligaw na bala…punta ako sa kabilang side ng kalsada. Ang mga ungas na bata ay nawalang parang bula . Pero natakot ako sumilip dahil nga nagtago ako, bka kz kapag sumilip ako nagbabarilan sila. Nang may biglang dumating na jeep, buti na lang kz balak ko ng magpasundo dhil nanginginig ako sa takot. Takbo ako sa jeep sabay sabi sa driver, “Manong halika na…may mga batang nagbabarilan” ayun sinunod nmn ako ng driver at nagchika ako ng aking kakainis na karanasan sa kamay ng mga batang uhugin na ito.
Kung ako Ate ng mga ito, pagbabatukan ko isa isa… Aba…aba…aba….di laruan ang baril…”It’s deadly”…










ay ang harsh! extra ingat ka kath ha, marami talagang ganyan ngayon.
kung ako ang ate ng mga batang yan, pagbababatukan ko sila ng…. baril!
hehe.
Tsk! Antatapang talaga pag mga bata pa,wala pa kasing iniisip na responsibilidad eh! Malamang nakutusan na yung mga ‘yon ngayon ng nanay nila! Ingat na lang lagi sa pag-uwi, kath.
oist mag-ingat ka ha. at di bagay sayo ang christy fermin epek. pag naka amoy ka na ng ganyang eksena aba’y umiwas ka na. pasensya na at nag-ninong mode ako. kaya makinig ikaw sa kasabihan bunso… cleanliness is next to godliness (wag mo na hanapin ang konek dahil sadyang wala hehehe) muah MAG-INGAT!
nakow… bad trip talaga ang madamay sa mga kalokohan ng iba. pag ganyan, dapa agad! o kung puti ang suot mong damit… pikit na lang! hehehe
bakit pa kasi gnwa pa ng mga magulang nila yan mga batang yan nde naman kayang palakihin ng maayos #$%^&!@@#$^%^& badtrip ! lolrofl
naalala ko ang tatay ko…
uso kase ang NPA sa probinsya…yung tatay ko, nag dala ng libintador sa bukid para panakot sa mga peste ng ka-palayan, ka-gulayan at kung anek anek na halamang gubat…
SUMMER to ha…
eh may naglalaba malapit dun sa balon…kumaripas ng takbo…nag sisigaw na may MGA NPA nag babarilan daw dun sa bukid
NAGSARA ang buong Barangay…lahat ng bahay sarado….ang nanay ko kabang kaba na kase wala pa ang tatay…
nasilip na lang namin ang tatay ko mag-isa naglalakad sa gitna ng kalsada mag isa tawa ng tawa…muntik ng ipa barangay ang tatay ko…hahahahha