Archive for the 'LOVE' Category

06
Jan

GOODBYE 2007…HELLO 2008

Salamat Sunday ngaun, at dahil ngaun ay walang pasok medyo nkatulog ako ng maayos. Habang nag eemote ako knina nkausap ko ang Ninong ko wafu, ayun nagbasa ako ng blog nya . Special mention ako sa mga taong pinasalamatan nya. Thanx din Ninong nga pala… At syempre dahil gaya gaya ako, gagayahin ko sya. Pero medyo iba nga lang susulat ko ang nangyari sa aking nung 2007… Game na…

JANUARY

Medyo kakaiba ng start ng 2007 ko…kz nmn papasok pa lang ang taon ay tinoyo ang utak ko. Before mag new year naglayas ako sa bahay…Dec. 31 2006 at 10:00 pm ng gabi umalis ako ng bahay habang ang iba ay nagsasaya. Nung pumasok ang Jan. 2007 nasa bahay ako ng aking ex-bestfrend. First week ng Jan. last year nasa Cavite ako at nagpaampon sa mga kaibigan ko… Salamat pala sa mga frends ko na dumamay sa akin…khit di nyo nababasa to…I LOVE YOU ALL…

FEBRUARY

At dhil daig ko pa si Ruffa sa tsismis sa buhay ko, sumpa kz un sa mga magaganda…Muntik ng di matuloy ang pagiging Mrs. Burden ko. Pero dahil luvs na luvs ako ni Rich ayun inaya nya ako magpakasal…Yan yung time na di ko maexplain kung ano ang mararamdaman ko. Kz dmi ko problema pero andun nun nagging sandalan at kchikahan ko. Si Selvo…di ko pa sya ninong nun…kmi ang lagging magkakasama. Laging umaalis at nagkakalikot ng laptop. Sila din nila Kuya Peng at Kuya Lloyd ang nagging takbuhan ko nung time na yun. SALAMAT MGA KUYA KONG ASTIG….

MARCH

Bday ko na. Pero mas magandang balita ang pagdating ni Rich. Day b4 my bday sinundo ko sya sa airport at deretso agad kmi sa bahay nmin. Un ang pinakamasayang bday sa buhay ko. Naging mas makulay ang colorful life ko…naging araw ang gabi…panahon kung saan daig pa ng mata ko ang mga christmas light sa pagkutitap…naguumapaw sa kasiyahan ang aking puso. wari’y bumukas ang langit at nagkakantahan ang mga angel.…LOVE U RICH.

APRIL

Nangyari ang pinakamalaking pagbabago sa buhay ko. The time na nag “I DO” at pumirma ako ng contract na walang expiration date.…the most unforgettable day in my life…DI NA KZ AKO SINGLE…..hahaha

MAY

Matapos ang ilang araw na kasiyahan, iyakan nmn. Di ko makaklimutan ang eksena nmin sa airport habang nag goodbye sa isa’t isa. Para kaming nagshoooting pero totoo at di acting ang ginagawa nmin. Ung tipong naghahalo na ung sipon at luha ko. Walang humpay na paalamanan. Kz ang aking hubby ay fly agad pabalik ng kanyang pinagmulan… Akap…kiss…akap…kiss…haysssssss…HUHUHU

JUNE

Panahon ng pangungulila…yan lang siguro ang masasabi ko. At panahon na nmn ng tsismis para sa akin.BWAHAHAHA

JULY

Nalaman ko ang Mundo ng Blog. Pero dahil eng eng ako di agad ako nkapagsimula. Salamat sa tulong ni Ninong Selvo at nakagawa ako ng blog. Pinanganak na si http://www.richkath.wordpress.com.

AUGUST

Nang una ako tumapak sa Embassy…secret na lang kung anong embassy un. Pero para sa akin yun ang scariest place on earth… dhil s dun nakasalalalay ang aking walang humpay na kaligayahan

SEPTEMBER

Buwan ng paghihintay….ung tipong binibilang ko bawat minuto na aking buhay…bawat inhale at exhale ko…salamat at natuto akong magblog dhil nagkaron ako ng magandang libangan…E2 din ung time na nakilala ko ang aking friendly friends…elow sa inyo….

ATE KENGKS, ATE MARU, JOJIE, ATE MALEN, KUYA DEF, KUYA JON, ATE ANNIE, ATE JOVIE, KUYA AZ, KUYA KIKO, TINTIN…..teka many to mention basta sa WPP fwends…syempre makakalimutan ko ba nmn sina NIKATOT at

JEANTOT…THANK YOU……sa inyong lahat….

OCTOBER

Ayun din a ko magpapaligoy ligoy pa…di nagging maganda resulta ng aking application para akong binagsakan ng langit at lupa pero nagging maganda naman ang kapalit. I decided to go back to school…..E2 rin ung month na nagkita kmi ni Nika at si Jean ay di sumipot…

NOVEMBER

Ayan estudyante na nmn ako….medyo nagging bz si Kath pero di ibig sabihin nakalimutan ko na kaung lahat… Nag aaral lang po ako ng mabuti para sa kinabukasan ng bayan……

DECEMBER

Pasko na……..pero di ako masyado na excite kz alam ko nmang walang magreregalo sa akin….hahaha. At ayokong isipin masyado kz tiyak mage emote na nmn ako…Pero Thank God naging maayos nmn ang pasko ko…At naging masaya ako kz mataas ang prelims grade ko…B4 din matapos ang December nakatanggap ako ng surprise gift galling sa aking hubby…Wow…ang saya saya…..

NAGING MAGANDA ANG 2007 SA AKIN KAHIT MAY MGA TIME NA SABLAY ANG MAHALAGA NAGING MAAYOS NMN. SANA LAGING GANITO….SALAMAT SA LAHAT NG MGA TAONG SUMOPORTA SA AKIN…MAHAL KO KAYONG LAHAT…

GOODBYE 2007 …HELLO 2008 ….

08
Nov

IN GOD’S TIME n’ WILL

I’m sad…yun lang siguro pwede kong masabi for now. I’m on denial these days, ayoko na sanang pag usapan but that’s life. I really have to face and admit the fact that were not gonna be together this Christmas, sa 1st anniversary ng marriage nmin, sa bday ko at sa ibang pang important events na darating. It’s not our choice but suddenly my visa was not yet ok for some technical reasons. I really have to take the dutch examination…waaaa so have to study and pass their exam. I don’t know kung hanggang kelan ako maghihintay. Naging turning point ng relasyon nmin ito. it’s only the beginning for a better day, un na lang iniisip nmin. Giving up is the last thing on my mind ryt now. I have to be strong for RICH. Lately he’s been crying and so do I. Kz his birthday is coming and eto sana ang first Christmas nmin together.

Were really having a hard time now, ayoko na sanang isulat ito but people were asking na, And maybe gusto ko lang din ilabas ung nasasaloob ko. Sabi nga nmin maybe di pa oras sa ngayon. I have things to do muna dito, so now may oras ako and dapat gawin ko na ang dapat kong gawin. I must keep myself bz para di ko gano maisip yun at para wag din mabored dhil kung lagi kong iisipin mag aaway at mag aaway kmi.Tiis tiis muna kami sa ngayon. Basta wag lang kming mawawalan ng faith and hope na magkakasama kmi.

Di lahat ng bagay nakukuha sa madalian, we have to be patient about it. Sabi ko nga ito ang pinili kong buhay. From the start I knew that it will be this tough but dito ako masaya. I Love Richard so much so I rather take the risk, I hope and I know someday we will be together… IN GOD’s Time n’ Will.

29
Oct

Kath in 7 Truths

Election day! At dhil kailangan kong bumoto gumising ako khit 2 hours pa lang ang tulog ko. Bigla rin kz pumasok sa utak ko si Kagalang- galangan, Kagandahang si Kengkay. OO si Ate Kengks, may utang kz ako sa kanya dahil na-tag nya ako. At dhil grogy pa ako naisip kong gawin ko itong pampagising. 7 facts or things about me, nung isang araw ko pa kz iniisip un. Nangailangan kz ako ng matinding pag iisip for this……

 

Ano nga ba? At Sino si Kath…..

 

  • Bibo-

Yan ang sabi nila sa akin nung bata ako, kaya madami ang aliw na aliw sa akin. 3 years old ako ng sinaling pusa nila ako sa baranggay nmin , ung libreng education for small kids. At dun sumikat ang tula kong P*tang Ina, P*tang Anak….oi di bad un ha…bulol kz ako nung bata ako kya ung pusa nagiging p*ta. Dahil cute ako nun, sabagay lahat nmn ng ganung age cute pa, natatawa sila sa akin. Kahit saan pinapatula nila ako. Kunbaga gigagawang living doll, mahilig din kz akong sumayaw. Dapat daw kz may ballet lesson ako kaso ang magaling kong tatay, dinala ang pang tuition ko sa mabuting kamay ayun di natuloy. Ang ending not in so good places ko nilalabas ang talent ko. As in sa kalsada , sa ibabaw ng mesa at kung saan saan pa.

  • Kikay-

Grade 2 pa lang ako marunong na akong mag make up. As in marunong talaga, kz nga wala si Mama in my growing years ayun tinuruan nya ako. Sabi nya “Di sa lahat ng oras masasamahan kita, nasa tabi mo ako kailangan mong matuto nito para maganda ka sa mga program”. Yan ang makabagbag damdamin na pananalita ni Mader. Pano kz nagsawa na yata umattend ng programs dhil lahat ng activies kapag nag ask si teacher dalawang kamay at kasama pa ang paa ko ang itinataas ko. Pero ngaun di na ako nagmamake up masyado, ayaw kz ni Hubby.Mas ok daw kz ang simple. Pero di nawala pagkakikay ko….Isa pa pala mahilig akong ipunin ang mga pinaglagyan ng kakikayan ko.

  • Movie Addict-

Sobrang hilig ko manood ng movie mapabago mapaluma, kahit yata un lang gawin ko maghapon ok na sa akin. Minsan nauunahan ko pa ang sine dito sa pinas. Hubby time ko kz ang panonood ng movie, sabay kming nanonood ng online films. Kaya ang mga frends ko bago magwatch sa sine mega ask muna sa akin kung napanood ko na, alam kz nila kung hindi pa tiyak hahahughugin ko ang net makita lang ang movie na un. Mahilig din ako sa bumili ng pirata….dinadayo ko talaga ang Quiapo. Pero ngaun din a masyado kz nga may libre nmn online saka ayaw ni Edu ng ganyan.

  • Showbiz-

Ewan ko ba? Bakit sobrang colorful na buhay ko, di nmn ako kumakain ng gulay. Pwede kong isulat sa Maalaala Mo Kaya kaya lang bka maubos ang buong isang season nila na puro tungkol lang sa buhay ko.At ako pa sisihin nila kung bakit nawala sa ere program nila. Iniwan kmi ng Father ko pero naging ok nmn kmi. At makulay lablyf ko, Imagine sa net ko natagpuan si Hubby…..salamat sa Technology. Dinaig ko pa artista sa intriga at tsismis sa akin…Pero ako ang nagwagi sa ngaun sana laging ganun…..bwahahaha…

  • Feeling Sexy-

Di ko alam kung bakit ba laging kulang sa tela mga damit ko. Isa yata un sa resulta nung aking childhood. Pano ba laging bestida pinapasuot sa akin. At kung anong style nun apat kming pareparehas para kming dancers iba iba lang kulay. Kaya nung nagkaron na ako ng chance mamili ng susuot ko, aba syempre kung saan ako komportable. Mini skirt na kita na kuyukot yan fave ko isuot…. nalalakihan ako sa binti ko kapag nka pants ako…ang weird ko…hahaha. Pero di ko alam khit di labas ang cleavage ng dmit na binibili ko ang ending nakalabas na ito kapag sinuot ko….coz im a gifted child. At wala akong pakialam sa tao, ano man sabihin nila mamatay kau sa inggit at matuyuan sana kau sa paglalaway. Sobrang adik din ako sa pektures, mahilig ako magemote sa harap ng camera grabe. Kahit anong suot ko kinukunan ko, at khit walang suot keri pa rin.

  • Love KO to-

Di ko like si Mcdo di kmi frends b4 loyal kz ako kay Jollibee pero simula ng sumayad ang mcflurry sa aking lips. Ayun hinahanap hanap ko na, mabuti na lang at may 24 hours delivery sila at kapag kumalam tyan ko dial ko lang si 8-MCDO ok na. Di nga ako kumakain ng gulay, daig ko pa treasure hunter sa paghalukay ng food bago kainin kz kapag nalasahan ko gulay lalo na bawang naku isusuka ko un. Mahilig ako sa cheeseburger khit yun lang kainin ko araw araw ok na sa akin. Sa pizza nmn puro all meat primo lang kinakain ko, I love patatas din….waaa namimiss ko na kumain ng mojos medyo sawa na kz ako sa French fries. Tabain at payatin ako dati pero mula ng nag asawa ako puro tabain na lang, pilitin ko man magdiet ngayon pero tukso kz si Mcdo ayan nasisira ang diet ko. Mahilig ako magyosi khit nasusunog ako dito, ngaun di na ako medyo umiinom kz nga di na ako gumigimik pero i love tequila.

  • Malaki ang puso-

Nakuha ko yata to sa pagkahumaling ko sa tagalog pocketbooks, ayun mahilig ako mag emote sa lovelife ko. Sa pagsusulat ko dinadala ang mga fantasy and fears ko. Feeling ko fairy tales ang buhay lahat happy ending. Pero sanayan lang pala yun, kaya ngaun medyo immune na ako sa heartbreaks at syempre dumating ang bisig ng buhay ko. Kahit minsan may sapak ulo ko nandyan pa rin sya iniintindi ako…ang sarap pa rin mabuhay kahit puro problema basta matutong maghintay at darating din ang magmamahal sau.

 

Ay tapos na…Hayyyz 7 lang kz kailangan bitin tuloy….di bale sa susunod na lang ulit. Salamat sa pag tag Ate Kengks, teka ako nmn magtatag. Tatag ko sina NIKA, SAWN, KIKO at ANNIE…Sali kau…

26
Sep

CHELSEA:our little star

 dsc04909.JPGO di ba bongga! Anong say ni Margarita dyan. Meet our little STAR…

Kanina nagpakitang gilas na naman ung niece kong si Chelsea, so naisip kong bigyan sya ng break dito sa blog ko and I want to share ung mga funny moments nmin with her. She’s only 2 kaya sobrang kulit pero sobrang bibo nya, maybe may pinagmanahan kz . Lagi kaming nagugulat sa mga new things na ginagawa nya. She’s really a cutie and an angel for us. Sobrang malambing, at her age she loves to sing, dance and draw. Thank God at di sya mahiyaan sana lang hanggang sa lumaki sya. Kakatuwang bihisan…sya ang nagiging living doll nmin but anyway she’s enjoying nman. We really love her coz sya ang pinaka baby ng family. I wish na sana lumaki sya ng maayos and huwag sana tumulad sa amin….bwahaha… 

At syempre fave ko syang picturan…at wala syang angal. She’s loves it and maybe she was born with talent talaga…

chelsea.JPG

O di ba??? kabog nya si Margarita…nyahaha.

At kagaya ng sbi ko very talented yang bata na yan…Look at her video…hehehe

Yan si Chelsea aka CHICHI our little angel and our little star 

Di ba proud tita… 

22
Sep

TUMATANDA NA TAYO….ANONG PLANO NYO?

 Tumatanda na ako …taon taon nadadagdagan edad ko…Ikaw ilang taon ka na? Ano plano mo sa iyong pagtanda…Di na ako natatakot ngaun sa pagtanda ko dhil alam ko may makakasama na ako… syempre nandyan asawa ko…Gusto ko pagtanda nmin ung tipong ok na lahat…nagpapakasawa na lang kmi sa mga salapi n pinag ipunan nmin…Wow ang sarap siguro nun… Ikaw sino feel mo makasama???Mahirap tumanda ng mag isa at mahirap mamatay sa kalungkutan.

Sa buhay natin tayo ang pumipili ng taong ating gusto makasama. May mga taong dumarating sa panahon na di natin inaasahan. Maaring maging maganda sa simula ngunit di natin masasabi ang kakahinatnan nito…Maraming hadlang at pagsubok na pagdadaanan ngunit nasa atin kung anong magiging resulta…

Isang taong dumating sa buhay ko ang nagpabago nito…Maraming pagsubok ngunit pilit kming kumakapit sa pag asa na magkakasama kmi. Sya lang ang taong gusto ko makasama sa habang buhay. Magbago man ang ikot ng mundo pilit namin itong sasabayan at pilit mabubuhay kasama ng pangako nmin sa isa’t isa. Dumating man ang araw na ang pagmamahal nmin ay kasamang mabaon sa hukay ngunit ang alaala ng isa’t isa ay babaunin nmin sa aming paroroonan. Huwag mong antayin at kusa syang darating….salamat at dumating ka ng maaga sa buhay ko….Natatakot man akong isang araw ay magising na wala ka na sa aking piling ngunit di ko ito alintana ang mahalaga ay kapiling kita di man sa pisikal ngunit sa puso ko di ka mawawala…

ik zal van u Richard houden zolang ik leef. Ik beloof voor altijd u niet omdat daar geen dergelijk ding zoals voor altijd maar diep in mijn hart dat ik u enige voor me… ik hou van jouw…

17
Sep

OHHH my RICHARD…

  

Ay naku nainspired ako sa mga nababasa ko about love…grabe kinilig ako sa mga nabasa ko kagaya ng kay Jojie at Jovi waging wagi sa puso ko ang blog nila…kaya e2 mga info about my hubby…

ETO NGA PO PALA ANG PAPA KO:
Name: Richard Allan David Burden
Location: Netherlands
Birthday: NOv. 22,1972      Age:34
Fave Food: Kare2x, Relyeno and many to mention coz mahilig sya kumain pero syempre ako ang fave nya sa lahat…
Fave Color: Blue and Gray
Hobbies: searching the net, watching movies, cooking and dancing

….ay naku kahit sobrang bz yan sa work d nya ako nkakalimutan trabahunin este kausapin everyday magkausap kmi…sobrang maalahanin yan. Isa pa sa pinagpapasalamat ko ay sobrang bait. Minsan kahit di ko hinihingi binibigay nya, binibilhan ako ng kung ano ano… di ba di kagaya ng ibang guys na kailangan mo pang magnovena para sa gusto mo. Hirap lang talaga ng malayo. Di maiiwasan ang mga misunderstanding pero di kmi natutulog na di un nasosolve at aminado nmn ako na ako ang problema, kaya nga natatakot ang lola mo bka isang araw di na lang sya magpakita…pero di ako makakapayag…magkamatayan na. Ang sarap pala kapag oldies alagang alaga ka. JOKES lang Papa…..  Kz nadudurog ang puso ng asawa ko kapag sinasabi ko na medyo may edad na sya…Mahal na mahal ko si RICHARD ayan ang tawag ko sa kanya kapag magkaaway kmi at kapag naglalambing ako at syempre kapag nagmomoan ako…nyahaha. I knw madami pa kming pagdadaan pero khit ano pa un basta magkasama kmi keri na.

HAyzz.namimiss ko na ang mga bisig nya, ang matatamis na ngiti nya sa akin, ang malalagkit na tingin na ikinatutunaw ko, ang mala macho dancer nyang sayaw na nakakapagpalambot sa akin, ang paglalaba nya ng panty ko, ang pagtutupi ng damit ko, ang pagluluto nya, ang pagsabay nya sa mga kantang naririnig nya na nakakabasag ng eardrum ko. Ang pagpasan nya sa akin sa gitna ng kalye khit medyo shy ako khit lumalabas pwet ko sa ikli ng shorts ko. Ang paghahabulan nmin at paglalaro ng patintero kasama ang mga bagets kong pinsan. Ang Pagcheer ko habang naglalaro sa ng basketball at pagtili ko kapag nakakashoot sya sbay sigaw ng  “asawa ko yan”. Ang pag ubos nya ng popcorn habang tumatawa sa sinehan. Pag gising ko sa kanya kapag madaling araw dahil kumakalam sikmura ko. Ang pagkain nmin sa iisang plato at pagsusubuan nmin. Ang pagsasabay nmin maligo at pagkukuskusan. Namimiss ko na asawa ko lalo na kapag nagigising ako sa madaling araw dahil sa lamig…namimiss ko ang paglalambing ko at pagsasabi ko ng ” yakap mo papa ang mama..ginaw mama”.Mga simpleng bagay na tagos sa aking puso at pagkatao, mga bagay na di ko malilimutan at baon ko hanggang hukay.

Di ko rin makakalimutan ang una naming pagtatagpo sa airport, ang unang pagkikita nmn sa mata. Di mapigilan ang kilig ko noong mga panahon na iyon ang walang tigil na beautiful eyes ko. Ang sabi nga sa bhay para daw akong si Betty Boop. At syempre ang unang umaatikabong bakbakan…un nga lang istorbo ung Ninong ko.

Maaring tumaas ang kilay mo sa love story nmin dahil nga thru net wala akong paki kahit magprotesta ka pa dhil nkaregister na sa NSO ang marriage contract nmin at wala ng bawian.
Isa lang ang alam ko na di ko pagsisihan..Kahit anong kahinatnan ng relasyon nmin. ang mahalaga minahal ko sya ng buong puso at kaluluwa. Sa sandaling panahon na nkasama ko un nmn ang mga panahon na nagpasaya at nagpaluha sa akin.MAHAL NA MAHAL KITA RICHARD.
14
Sep

my wedding

The most memorable and special moment in life….the time when we bow together and say “I DO” promising each other our life n our love…Sobrang i can’t imagine na in my age i will do this… As in…di nmn ako nag sisisi coz i knw mahal ko ang taong pinakasalan ko eventhough di kmi magkasama ngaun deep inside my heart i knw his mine….I love him so so much…no word could ever describe how i feel…When he told me that he was coming home n asked my hand for marriage nagulantang ang lola mo…ang haba ng hair ko. Di man eto ung pinapangarap kong kind ng relationship pero kiber im happy. Walang engagement party kunbaga walang formal engagement or watever pero sobrang saya ko walang pagsidlan ang happiness ko kunbaga pumapalakpak ang ano ko…The day na sinabi nya n papakasal daw kmi syempre natakot ako at nagpakipot muna pero in the end binigay ko din matamis kong “OO”.

Sa sobrang excited sinabi ko sa mom ko…HEHEHE.walang reaction di ko alam kung ok ba o hindi pero nasa ryt age n ako.Pero alam ko masaya sya kz atlast lalagay n ako s tahimik(sana nga maging tahimik) at 2nd mawawalan n sila ng konsumisyon.

On the 2nd day, aba gumawa agad ako ng list ng mga invited.At naisip ko na ako n lang gagawa ng invitation nmin…n souvenir at kung ano ano pa.Anyweiz we decided to have a civil ceremony simple pero presentable.All out nmn support ng family n frends… si Ninong Selvo tinulungan ako to come up with  some ideas n he edited ung ibang nilagay ko s invi medyo engot kz ako….slight lang nmn.Kunbaga nging consultant ko ninong. Nagburn ako ng cd n nag edit para sa cover pati para sa invitation n rin….e2 ung kinalabasan…

img_7279.jpg

              img_7297.jpg

                                                         img_7281.jpg

Our hearts are became one last April 8 ,2007 and syempre may mga sponsor kmi at isa na dun si Ninong Selvo….Oi Ninong eto proof….

k.jpgimg_7488.jpgimg_7548.jpg

Hayyyyzzz para akong nasa ulap ng mga panahon na un khit muntik na di magkasya damit ko sa akin kahit ganun feeling ko ako ang pinakamaganda nung araw n un…Iba pala ang happiness kapag kinasal ka lalo sa kagaya ko n b4 di naniniwala sa marriage but this time i hope my happiness will never last it would be the most unforgetable day in my life the day i became a woman , a wife and a complete person.Im not hoping for a perfect marriage i knw may mga trials but as long as wer together, as long as we love each other, for me it will be the best thing na nangyari sa buhay ko… And i hope it will never last….

I Love You Mr. Richard Allan David Burden…thanx for coming to my life…

img_7638.jpgimg_7650.jpgimg_7656.jpg

a.jpgMoments i’ll keep forever

My weakness and my strengthb.jpg

                         Mr. & Mrs. Richard Allan Burden c.jpg

LOVE really comes in different shapes and sizes…Wag mong intayin at kusang darating.Tulad ko sa isang kisap mata nagbago ang buhay ko sa pagtanggap at pangangako ng aking sarili at buhay sa isang tao….WAAAAA..ang lalim.But watever it takes ill try to be strong sa bagong episode sa buhay ko ang pagiging misis..Anyweiz 5 months n kming kasal..yeheyyyy…….

              I’M Proud to be MRS. Katherine Burdenkathnrich.jpg

      teka bagay tong poem na send ng isang frend ko….

I love your smile, your heart, your mind,
I love the way you are so kind.
I love the small things that I see,
And wonder what you see in me.
You make me laugh, you make me smile,
You make me love you all the while,
And when once more we are as one,
The dark will fade, you’ll be my sun.
I love you easily, forever too,
When I’m happy, the cause is you.
When true love comes, do not delay,
Take hold before it goes away.
Because to me love is a prize,
And I can see it in your eyes,
I love you dear, I love you true,
And all my love, I give to you.
You are my heart, you are my soul,
I love you cause you make me whole.
When we’re apart, I cry each day,
And wish I was with you to stay.
But in the end, past many trials,
Past many roads and many miles,
Together we will be again,
To laugh,to love and be bestfriend

***kung sino man nagcompose nito thank you i love it so much…..mwaahh.                                                                                              

02
Aug

wAnt 2 knw me?

Bakit ganun??? Ang hirap magsulat kapag sa tungkol s sarili mo na. Ilan beses na sinubukan ko ngunit sa basurahan pa rin ang tuloy ng idea ko…hayyzzz ayan wala akong mailagay s video n ginawa ko…Parang walang laman utak ko. O natatakot lang akong  magkamali.Baka hindi ko magustuhan ang isusulat ko para sa sarili ko at di pumasa s akin. Siguro nga ganun talaga kapag ikaw ang pinaguusapan ung mismong ikaw na ung walang taong involve. Di talaga kinaya ng powers ko….Enjoy nyo na lang ung ginawa ko.Frustrated actress kz ako…photographer …director…name it ako un…    

01
Aug

TAGPI-TAGPING LARAWAN

Noon akala ko magiging madali ang lahat para sa aming dalawa. Ngunit sadyang ganun yata ang kapalit kapag malayo sau ang mahal mo. Hindi mo iintindihin ang distansya n nakapagitan sa inyong dalawa bagkus ay gagawa ka ng paraan upang kau ay magkalapit. 

Ito ang simula ng aking pangarap, binuo at binigyang kulay. Nang sandaling ginawa ko ito hindi ko pa nakikita ng personal ang taong minamahal ko.

 Hindi man kmi magkasama ngunit ang puso nmn nmin ay iisa. Pangako s isa’t isa ang pinanghahawakan. Pangarap na balang araw ay magsasama at bubuo ng masayang pamilya. Hindi inalintana ang mga pagkukulang bagkus ay pinagtulungan nming punan ito. Sa kabila ng mga taong mapanghusga at walang ginawa kundi kalkalin at pakialaman ang aming relasyon. Tiwala at pagmamahal ang aming pinaghahawakan.Indi namin alintana ang sasabihin ng ibang tao…Isa lang ang alam nmin MAHAL NAMIN ANG ISA’T ISA. Kontento at masaya kmi, napunuan nmin ang kakulangan ng isa’t isa.

Nagkasama kmi s sandaling panahon ngunit di mapantayan ang aming kaligayahan. Kalungkutan ang naramdaman sa muling paghihiwalay ngunit di dyan nagtatapos ang aming pakikipag sapalaran. Kung ano man ang dumating s aming buhay ay haharapin nmin ito ng hawak kamay.              

  “ IM PROUD TO BE MRS.KATHERINE BURDEN
                                                        I LOVE YOU RICH
…..”

 

  

29
Jul

Shadow OF Destiny

28738328546508l.jpg 

Shadow of Destiny

By: Katherine Burden 

Shadow succumb by darkness

Beauty lying underneath her silence

Hiding her sorrow through the night

Glimpse of her past was not that bright 

Hair as black as coal

I wish I could see her soul

Her smile is a precious gold

Secret inside her was never unfold 

Mesmerized by her presence

Loneliness of her absence

As my heart beats her name

Fear was all over my brain 

Would I start with one hello

Or should I stop and mellow

A feeling inside me starts to grow

But how could she know

 Emotions I kept within myself

A soul that needs help

But truth was better left unsaid

Nor will there be peace instead

 The love inside I’ll buried

Nothing was left as she vanished

Sorrow and pain came in a blast

Mysteries was over at last

 Memories of her is always in mind

Fate to me became not that kind

But after all it’s all in my hand

Praying that happiness is her to find       




sTalKers

  • 24,272 satisfied

hectic sked

August 2008
S M T W T F S
« Mar    
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

fHmsWeetheart

sh2

sh8

sh15

sh26

More Photos